Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedMay pinaparingan? Sen. Ping Lacson sinabi na hindi siya gumamit ng PNP...

May pinaparingan? Sen. Ping Lacson sinabi na hindi siya gumamit ng PNP helicopter para sa “personal needs”

Ibinahagi ni presidential candidate Sen. Ping Lacson na hindi siya kailanman gumamit ng helicopter ng Philippine National Police (PNP) para sa kanyang personal na pangangailangan noong siya pa ang pinuno ng nasabing organisasyon.

Sinabi ito ni Lacson matapos aminin ng kasalukuyang pinuno ng PNP na si Gen. Dionardo Carlos na susunduin sana siya ng bumagsak na H125 Airbus helicopter sa ekslusibong resort ng Balesin Island.

Matatandaan na isa ang nasawi, habang dalawa ang sugatan sa nangyaring pagbagsak ng helicopter.

“Sinabi na nila, investigation is underway. Dapat huwag i-preempt. Simple lang naman ‘yun eh. Official function ba ang pagpunta o pag-ferry sa kanya o pag-pick up sa kanya ng helicopter?” ani Lacson sa isang panayam sa kanya.

“Kung official function, walang problema ‘yun. Pero kung personal, sa kanyang personal, pribadong sabihin nating situation, meron talagang mali. Ako nag-chief PNP ako, I never used PNP resources, choppers for my personal needs,” dagdag niya pa.

READ MORE: PNP chief Dionardo Carlos, inamin na sundo niya sana sa isang mamahaling resort ang bumagsak na helicopter sa Quezon

Larawan ng bumagsak na helicopter ng PNP

Sinabi ni Lacson na dapat ay imbestigahan ang nasabing naging dahilan ni Carlos kaya’t napilitan itong magpasundo sa helicopter ng PNP.

“Kasi there’s no doubt inamin na niya personal niya ang Balesin. Pero sabihin din natin kailangan siya bumalik ng Crame dahil may gagampanan siyang official function kaya siya nagpasundo dahil ang kaniyang private flight ay ‘di available. ‘Yun ang gray area dun,” paliwanag ng senador.

Lubos naman ang pagsisisi ni Carlos sa nangyari at sinabi nito na handa siyang sumalang sa imbestigasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular