Friday, September 30, 2022
HomePoliticsManny Pacquiao, planong gawing 'world-class exporter' ng balut ang Pateros

Manny Pacquiao, planong gawing ‘world-class exporter’ ng balut ang Pateros

Handa diumano si Sen. Manny Pacquiao na ipakilala sa buong mundo ang numero unong produkto ng Pateros na balut at itlog na maalat.

Sa kanyang pagbisita sa Pateros, sinabi ni Pacquiao na may posiblidad na dumami ang negosyo sa kaisa-isang bayan sa Metro Manila kung siya ang mauupo sa pagkapangulo.

Ang kailangan lamang daw ay makagawa ng paraan ang gobyerno para maipakilala sa mga banyaga ang balut at itlog na maalat.

“Yung balut saka itlog na maalat ng Pateros kilalang-kilala hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Parang exotic na pagkain kasi mga yan sa mga ibang nationality kaya dapat pag-aralan kung paano nating gawing major export ang balut at itlog na maalat,” ani Pacquiao.

“Huwag sana nating pabayaan kahit yung mga maliliit na munisipalidad dahil malaki rin ang ambag nila sa ating ekonomiya,” dagdag niya pa.

Kilala ang balut bilang isang exotic food at hindi lahat ng tao ay gustong kumain nito dahil sa itsura nito.

Nangako ang pambansang kamao na kahit ang maliliit na bayan ay hindi niya pababayaan sa ilalim ng administrasyong Pacquiao.

Inulit din nito ang kanyang plano na tapusin ang korapsyon sa Pilipinas at ilagay sa selda ang mga tiwaling opisyal.

“Ginagawa nilang hanapbuhay ang pagseserbisyo sa taongbayan. Ang mahalaga ay magkaroon ng righteousness at justice dahil dito nakasalalay ang foundation para sa tunay na development,” sabi ng pambansang kamao.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular