Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDirek Darryl Yap, maglalabas ng 'resibo' laban sa isang artista na 'nagmamalinis'...

Direk Darryl Yap, maglalabas ng ‘resibo’ laban sa isang artista na ‘nagmamalinis’ ngunit puro rated SPG naman daw ang ginagawa

May ibubuking diumano na artista ang kilalang direktor na si Darryl Yap kung hindi daw ito titigil sa pagpapanggap na malinis.

Sa kanyang Facebook post, binanatan ni Yap ang isang artista na diumano’y “nagmamalinis” ngunit puro rated SPG naman ang ginagawa.

Ayon sa direktor ay sangkot daw sa mga di kaaya-ayang bagay ang nasabing artista.

“Kung sino pa yung mga artistang nagp*p*kp*k—sila pa yung matapang magmalinis,” ani Yap sa kanyang Facebook post nitong Pebrero 23.

Screencap ng Facebook post ni Darryl Yap

Handa naman daw patunayan ni Yap ang kanyang mga nalalaman kung hindi daw titigil ang nasabing artista na ito sa kanyang ginagawang ‘pagmamalinis’.

“Sa susunod na magmalinis, post ako ng mga screenshots ng chats, messages at pictures,”  sabi ng direktor na nasa likod ng “Kape Chronicles” na binabatikos ngayon ng mga ‘Kakampink’.

Screencap ng Facebook post ni Darryl Yap

Hindi naman malaman kung sino ang artista na sinasabi ni Yap, ngunit may ilang netizens ang sinubukan na hulaan ito.

Kahit ang kilalang writer ng GMA-7 na si Suzette Doctolero ay hindi napigilan na mapatanong kung sino nga ba ang artista na ito.

Matatandaan na madami ding sikat na personalidad ang binabatikos si Yap dahil sa kanyang mga content na inilalabas ngayon na tila patama diumano kay presidential candidate Leni Robredo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular