Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesSharon Cuneta may mensahe sa mga botante: "Walang bahid na masama sina...

Sharon Cuneta may mensahe sa mga botante: “Walang bahid na masama sina Leni at Kiko!”

Inumpisahan na ni ‘Megastar’ Sharon Cuneta ang pangangampanya para sa kanyang asawa na si vice presidential candidate Kiko Pangilinan at ka-tandem nito na si presidential candidate Leni Robredo.

Kahit na abala ito sa kanyang mga proyekto ay sumama si Sharon sa kampanya ng kanyang asawa sa Tarlac nitong Pebrero 2022 kung saan ay ginamit nito ang kanyang star power upang makumbinsi ang mga botante.

Ayon sa kanyang mensahe ay hindi diumano nabahiran ng kahit anong kasamaan si Robredo at Pangilinan bilang opisyal ng gobyerno.

“Walang bahid na masama sina Leni at Kiko sa gobyerno!” ani Sharon.

Hindi naman nakalimutan ni Sharon na haranahin ang mga botante ng kanyang sikat na awitin na “Bituing Walang Ningning” na naging pelikula rin noong dekada 80.

Habang siya ay kumakanta ay hiniling niya sa mga botante na sana’y suportahan nila ang tambalang Leni-Kiko sa 2022.

Nagbahagi din ng kanyang mensahe ang anak ni bise presidente na si Jillian Robredo at sinabi na ilang dekada ng nagsisilbi sa bayan ang kanyang ina.

“Ipinakita niya na kahit anong trabaho, kaya niyang gawin,” ani Jillian.

“Katulad ng pagmamahal niya sa tatay ko at sa aming pamilya, alam niyang kailangan niyang ipaglaban ang mga minamahal niya. Kailangan niyang ipaglaban ang tama,” dagdag niya pa.

Samantala ay binanatan naman ni Pangilinan ang mga nagkalat na pekeng balita laban sa kanila.

Gusto naman ni Pangilinan na labanan ito at ilabas ang katotohanan.

“Marami pa rin ang naniniwala sa fake news sa Facebook, Youtube, at Tiktok. Kaya tayo ang magdadala ng katotohanan sa ating mga kababayan,” sabi Pangilinan.

Matatandaan na kinasuhan ni Pangilinan ang vlogger na si ‘Maharlika’ dahil diumano sa pagkakalat nito ng maling balita.

READ MORE: Kiko at Frankie Pangilinan, kakasuhan ng cyberl libel si ‘Maharlika’

Sa ngayon ay mahaba haba pa ang kailangan habulin ni Robredo at Pangilinan upang manguna sa mga surveys.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular