Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedRuffa Gutierrez, binura ang kanyang Instagram post kasama si Trillanes: "My sincere...

Ruffa Gutierrez, binura ang kanyang Instagram post kasama si Trillanes: “My sincere apologies”

Humingi ng tawad ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa mga netizens matapos niyang ibahagi ang kanyang pakikipagkita kay dating senador Antonio Trillanes IV.

Nitong nakaraang araw ay ibinahagi ni Ruffa ang ilang larawan na kuha sa pakikipagkita niya kay Trillanes.

Ayon sa kanya ay hindi totoo na masungit ang dating senador at lagi pa nga daw itong nakangiti noong sila’y nagkita.

May ilan tuloy na netizens ang hindi naiwasan na kiligin dahil tila may chemistry daw ang dalawa.

“Thank you for dropping everything and moving your appointments just to meet me Senator @ trillanessonny. It’s not true that he doesn’t smile. He was smiling the whole time,” ani Ruffa.

Ngunit kamakailan lamang ay binura bigla ni Ruffa ang nasabing post dahil sa nag ugat daw ito sa komosyon.

Hindi naman ipinaliwanag ni Gutierrez kung anong komosyon ang naidulot ng pakikipagkita niya kay Trillanes.

“To everyone asking what happened to my earlier post… I’m very sorry I had to take it down. My sincere apologies. I didn’t realize it would create quite a commotion. Pasensya na po @trillanessonny at sa lahat,” sabi ng It’s Showtime host.

Hindi pa malaman sa ngayon kung ano nga ba ang napagusapan sa meeting ng dalawa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Trillanes sa ginawang pagbura ng post ni Gutierrez.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular