Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaPNP chief Dionardo Carlos, inamin na sundo niya sana sa isang mamahaling...

PNP chief Dionardo Carlos, inamin na sundo niya sana sa isang mamahaling resort ang bumagsak na helicopter sa Quezon

Inamin ni Philippine National Police chief, Gen. Dionardo Carlos na susunduin dapat siya ng bumagsak na Airbus H-125 sa Real, Quezon nitong Lunes.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Carlos na susunduin sana siya ng nasabing helicopter sa exclusive resort na Balesin Island pabalik sa Camp Crame.

Ayon sa kanya ay nasa mamahaling resort siya nitong weekend bilang parte ng kanyang “private time”.

Balesin Island Resort

Ngunit wala na daw siyang makuha na private flight kaya’t nagpasundo na lamang siya sa helicopter ng PNP.

“This prompted me to request for an admin flight to transfer/move me back to Camp Crame Monday morning so I can perform my duties. The flight directive was allowed and issued following PNP rules and regulations,” ani Carlos.

Lubos namang nagsisisi si Carlos sa nangyari lalo na’t isa ang nasawi matapos bumagsak ang helicopter na susundo sa kanya habang dalawa pa ang sugatan.

Ang nasawi ay nakilala na si Pat. Allen Noel Ona, habang ginagamot naman ang dalawang piloto na sina Lt. Col. Dexter Vitug at Lt. Col. Michael Melloria.

“I regret that the accident happened and never wish harm to my personnel nor losses to the organization. Rest assured that a thorough investigation is being undertaken.” sabi pa ng heneral.

Samantala ay hiniling ni presidential candidate at senador Ping Lacson kay Carlos na magpaliwanag ito kung bakit siya nasa Balesin.

“Let’s not prejudge CPNP (Chief PNP) Carlos, di natin alam kung ano ang talagang may official function siya doon ngayon, kung personal yun medyo may problema siya doon,”sabi ni Lacson na dating pinuno ng PNP.

Ipinaliwanag naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na karapatan ni Carlos bilang PNP chief na gamitin ang helicopter ng organisasyon.

“He (Carlos) is still the chief PNP and it’s rightful for him to use the PNP chopper to be able to attend a forthcoming official duty when there are no other available means,” paliwanag ng kalihim.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular