Friday, September 30, 2022
HomePoliticsKampo ni Isko Moreno, sinabi na hindi nila isinama si Willie Ong...

Kampo ni Isko Moreno, sinabi na hindi nila isinama si Willie Ong sa Mindanao para ‘hindi mapahiya’

Inamin ng campaign manager ni presidential candidate Isko Moreno na siya ang nagdesisyon na huwag isama ang ka-tandem ng alkalde na si vice presidential candidate Dr. Willie Ong sa kampanya nila sa Mindanao.

Sa panayam sa kanya nitong Pebrero 22 ay sinabi ng beteranong campaign manager na si Lito Banayo na kinausap nila si Ong bago ang pagpunta ni Moreno sa Mindanao kung saan ay isinulong ng ilang grupo doon ang tambalan ni Moreno at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ayon kay Banayo ay ayaw niya lamang na mapahiya si Ong dahil sa iba ang isinusulong na tambalan ng mga tagasuporta ni Moreno sa Mindanao.

“That was my call. That was my decision. Kasi nga, whenever you make sorties or campaign trips, you send an advance team, normally, four or 5 days beforehand, even a week beforehand. They called me up and they said, ‘Boss, puro streamers dito, Isko-Sara,’ tarpaulins, puro Isko-Sara,” ani Banayo sa panayam sa kanya ng ANC.

“So I called up Doc Willie, and I said, Doc, baka mas mabuti po ‘wag kayong sumama sa Mindanao kasi i don’t want to put you in an embarrassing situation where ‘yung mga tarpaulins doon is Isko-Sara,” dagdag pa niya.

Itinanggi din nila na iniwan na ni Moreno si Ong sa ere para kay Duterte.

“He did not say he was supporting Sara at all. He didn’t say that at all. Pero doon kasi sa Maguindanao and Sultan Kudarat, wala rin naman silang sinabi, ‘yung mga speaker, ‘yung major power blocs, wala din naman silang sinabi na Isko-Sara,” sabi pa ng campaign manager.

Matatandaan na maraming nakisimpatya kay Ong matapos nitong sabihin na nasaktan siya sa desisyon ng ilang grupo na ipares si Moreno sa ibang kandidato.

READ MORE: Iniwan sa ere? Doc Willie Ong nasaktan dahil ipinapares si Isko sa ibang kandidato: “Tiis lang ako”

“Siyempre na-hurt ako. Masakit yun.” ani Ong matapos siyang tanungin kung ano ang pakiramdam niya sa kasalukuyang nangyayari sa tambalan nila ni Moreno.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular