Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesRowena Guanzon, minaliit ang talino ni senatorial candidate Robin Padilla: "Low IQ...

Rowena Guanzon, minaliit ang talino ni senatorial candidate Robin Padilla: “Low IQ ka!”

Binanatan muli ni retired Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon ang senatorial candidate at aktor na si Robin Padilla.

Sa pagkakataong ito ay pinuna naman ni Guanzon ang pahayag ni Padilla kung saan ay pinagtatanggol niya ang kanyang sarili mula sa mga kimukwestiyon kung handa nga ba ang kanyang utak para sa trabaho sa senado.

Sagot naman ni Padilla ay ang totoo lamang na hindi niya alam ay kung paano ang ‘magnakaw’ sa kaban ng bayan.

“Kapag sinasabi nilang wala tayong alam, tunay wala po tayong alam sa pagnanakaw. Hindi po iyan ang kaso ko. Ang kaso ko ay puro pag-ibig lamang,” ani Padilla sa kanyang pahayag nitong Pebrero 19.

Tugon naman ni Guanzon, mababa daw ang IQ ni Padilla.

“Ang kaso, low IQ ka robin Doby!” ani Guanzon.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Padilla sa panibagong banat sa kanya ni Guanzon.

Matatandaan na nag ugat ang hidwaan sa pagitan ni Guanzon at Padilla dahil sa usapin tungkol sa kung ano nga ba ang nangyari sa isa sa mga bayani ng bansa na si Andres Bonifacio.

Ayon kasi kay Padilla ay biktima ng ‘EJK’ si Bonifacio, na naging dahilan kay Guanzon upang sabihin na hindi niya iboboto si Padilla.

Sagot naman ng aktor, hindi naman niya kailangan ang boto ng retired commissioner.

“Nakakatuwa naman ang retired comelec official na ito na lumabag sa mismong mga patakaran ng korte at nageskandalo sa labas ng comelec at siniraan ang kanyang pinagsilbihan ng ilang taon. Ito Ang mga halimbawa ng grand standing,” ani Padilla.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular