Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesProf. Clarita Carlos, tinawag na 'event' ang People Power at hindi isang...

Prof. Clarita Carlos, tinawag na ‘event’ ang People Power at hindi isang ‘revolution’: Wala namang nagbago

Naniniwala si Political Science Professor Clarita Carlos na hindi maituturing na isang ‘revolution’ ang People Power na nangyari noong 1986 na nagresulta sa pagbagsak ng administrasyong Marcos.

Sa panayam sa kanya noong 2021 ay ipinaliwanag ni Carlos na wala namang nagbago sa bansa simula ng mangayari ng EDSA 1 kaya’t hindi dapat itong ituring na rebolusyon.

“When you are a scholar, we are using the proper word to define particular incident or events and when the moment you label it promptly that people have expectations, ginamit mo ‘yung revolution e,” ani Carlos.

“After 1986 they were looking for change, why they didn’t see any change, the structures are still the same.” dagdag niya pa.

Naniniwala si Carlos na dapat ay baguhin na lamang ang nasabing constitution dahil sa hindi na ito naakma pa sa kasalukuyang panahon.

“That 1987 constitution should go,” ani Carlos “Punong puno siya ng tanikala na mismong tayong g*g* ang nagtali sa sarili natin. Times has changed.”

Sinabi naman ng propesor na pabor siya na isulong ang Pederalismo sa bansa.

Matatandaan na nag viral si Carlos sa social media matapos ang kanyang pagiging panelist sa SMNI debate.

Dahil dito ay kahit ang mga lumang video ng propesor ay pinapanood ng mga netizens upang mas lalo nilang makilala ang propesor.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular