Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesOgie Diaz, sinabing 'pag-asa' ang tingin ng iba sa kulay 'pink'

Ogie Diaz, sinabing ‘pag-asa’ ang tingin ng iba sa kulay ‘pink’

May isang tanong ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang mga fans sa social media.

Sa kanyang post, napatanong si Ogie kung bakit nga ba hati ang opinyon ng mga tao kapag nakikita nila ang kulay ‘pink.

“Bakit humahapdi mga mata ng iba pag nakakakita ng pink? Habang yung karamihan naman, parang nakakita ng pag-asa.” ani Ogie.

Matatandaan na kulay pink ang ginagamit ngayong campaign color ni presidential candidate at vice president Leni Robredo na siyang sinusuportahan naman ni Ogie.

Ilang kaibigan naman ni Ogie ang sinagot ang tanong ng talent manager.

“Kasi sanay silang mabuhay sa dilim. Kaya masakit sa mata nila ang pink,” sabi ni John Nas.

“Kasi mas prefer nilang makakita ng ngiwi at chaka,” ani ng aktres na si Dionne Monsanto.

“Masasanay din mga mata nila kasi kulay rosas na ang paligid!” sagot naman ni Milagros Villarama.

Samantala ay pinuna din ni Ogie ang diumano’y pagtatangal sa mga tarpaulin ni Robredo sa iba’t ibang lugar.

“Tarpaulin lang yan. Nakaukit sa puso namin ang pink. Masusugatan pa kayo niyan sa ginagawa nyong yan eh. Depende kung saan nyo gustong masugatan. Sa kanan o kaliwang braso.” ani Ogie.

Sa ngayon ay pumapangalawa parin sa ilang survey si Robredo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular