Friday, September 30, 2022
HomePoliticsIniwan sa ere? Doc Willie Ong nasaktan dahil ipinapares si Isko sa...

Iniwan sa ere? Doc Willie Ong nasaktan dahil ipinapares si Isko sa ibang kandidato: “Tiis lang ako”

Hindi naitago ni vice presidential candidate Dr. Willie Ong ang kanyang sama ng loob dahil sa iba ang ipinapares ng ibang politiko sa kanyang ka-tandem na si presidential candidate Manila City Mayor Isko Moreno.

Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang pagpunta ni Moreno sa Maguindanao na hindi kasama si Moreno upang mangampanya.

Mas pinili kasi ng ilang lider sa Mindanao na ipares si Moreno kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Makikita pa sa ilang larawan ang pangangampanya ni Moreno katabi ang Isko-Sara posters.

“Siyempre na-hurt ako. Masakit yun. Wala akong pera, wala akong pangalan… Sobra akong disadvantaged pero wala akong choice. Ang style ko is hindi naninira… Hindi maganda sa akin ang inis-inis.” ani Ong sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Iniintindi naman daw niya ang desisyon ng mga nasabing lider na ipares si Isko sa ibang kandidato.

“I understand where it comes from pero tiis lang ako. Wala akong complaint, go lang ako.” sabi pa ni Ong.

Matatandaan na maliban sa ilang lugar sa Mindanao ay kinokonsidera din ng pinakamalaking partido sa Cebu na i-endorso ang tambalang Moreno-Duterte.

Hindi pa naman daw niya nakakausap si Moreno tungkol dito.

“Hindi ko na iniisip. Parang bahala na yung tao. Wala naman akong kasalanan. I’ll just do it straight,” saad ng doktor.

“I’ll play it straight kasi yun ang hiningi sa akin ni Yorme so gusto ko ipakita sa inyo, sa lahat ng tao na loyal ako,” dagdag niya pa.

Ilang netizen naman ang nakisimpatya kay Ong at sinabi na tila iniwan na talaga siya sa ere ni Moreno.

“I feel sorry for Doc. Willie. Sana tumakbo na lang siya as Senator. Iiwan lang pala siya sa ere sa sobrang kagustuhan nung katandem niya!” sabi ni Nem Ordinario.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular