Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAlex Gonzaga, ipinagtanggol ang kapatid na si Toni sa pambabatikos : "She...

Alex Gonzaga, ipinagtanggol ang kapatid na si Toni sa pambabatikos : “She is a strong person”

Ipinagtanggol ni Alex Gonzaga ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga mula sa pambabatikos na natanggap nito sa mga netizens dahil sa kanyang paniniwala sa politika.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Alex na naniniwala siya na handa ang kapatid niya mula sa mga pambabatikos na matatanggap niya.

Ibinahagi din ni Alex na sa kanilang pamilya ay nirerespeto nila ang desisyon ng bawat isa pagdating sa politika.

“Sa family, iba-iba ng political stand but my daddy would always say na, ‘Your political stand is your right but mas importante is family than anything, any issue’. So we support each other, we know our stand.” kwento ni Alex.

Hindi rin daw nila matanong si Toni kung ano ang nararamdaman niya ngayong inuulan siya ng batikos sa pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Nakaranas na rin daw ng mapait na karanasan si Toni noong bata siya kaya naniniwala si Alex na kakayanin ito ng kanyang kapatid.

“Knowing my sister, I know she’s a strong person and I know na hindi siya dadalhin ni Lord doon nang hindi siya ready. My sister was bashed even before nung bata pa. She was bullied preschool pa lang hanggang sa pag-aartista niya. During that time, I think she was so equipped and so ready for that.” ani Alex.

“Pag pinagagalitan siya ng daddy ko, sinasabi ng daddy ko, ‘Hindi ka magre-react?’ Matapang talaga ang ate ko as a person kaya nga sabi ko siguro nga talagang she was really born for this kasi kaya niya.” dagdag pa niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Toni sa kanyang natatanggap na pambabatikos mula sa mag netizen.

May ilan pa nga na nangako na ibo-boycott nila si Toni at ang kanyang mga programa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular