Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesPilipinas Got Talent finalist Joven 'Wow Magic' Olvido, huli sa ikatlong pagkakataon...

Pilipinas Got Talent finalist Joven ‘Wow Magic’ Olvido, huli sa ikatlong pagkakataon dahil sa bawal na gamot

Sa ikatlong pagkakataon ay babalik muli sa piitan ang finalist ng ABS-CBN talent show “Pilipinas Got Talent” na si Joven Olvido matapos itong mahuli sa isang buy-bust operation na ikinasa sa Laguna nitong Pebrero 19.

Ayon sa kapulisan, aabot ng 85,000 ang nakuha kay Olvido na ipinagbabawal na gamot.

Nitong 2020 lamang ay nag viral sa social media ang dating komedyante dahil narin sa kaparehong kaso.

READ MORE: Joven Olvido ng Pilipinas Got Talent, huli dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot

Ngunit maliit na halaga lamang ng ipinagbabawal na gamot ang nakuha noon kay Olvido kaya naman nagkaroon ito ng pagkakataon na makalaya.

Joven Olvido kasama ang komedyante na si Vice Ganda

Matatandaan na sumikat si Olvido sa social media dahil sa kanyang ‘vape tricks’ at lumabas din siya sa ilang programa at pelikula.Hindi naman malaman kung makakalabas pa ba sa pagkakataong ito si Olvido dahil sa laki ng nakuha sa kanya sa bagong buy-bust na kinasangkutan niya.

Ngunit hindi nagtagal ang kanyang career na maaring naging dahilan ng pagbalik niya sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Wala pang pahayag ang kampo ni Joven sa mga oras na ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular