Monday, October 3, 2022
HomePoliticsManny Pacquiao balak i-knockout ang korapsyon: 'Pag ako naupo, bigyan niyo ako...

Manny Pacquiao balak i-knockout ang korapsyon: ‘Pag ako naupo, bigyan niyo ako ng 2 taon’

Handa diumanong i-knockout ni pambansang kamao at presidential candidate Manny Pacquiao ang kurapsyon kung sakali na siya ang palarin na mahalal ng tao sa pagkapangulo.

Sa kanyang plano, sinabi ni Pacquiao na babawasan nito ng 70% ang kurapsyon sa Pilipinas sa unang dalawang taon niya sa Malacañang.

Ayon kay Pacquiao ay hindi niya pa niya maaring ibahagi ang kanyang plano sa mga botante.

Ngunit tila isa sa mga plano niya ay gawing anti-corruption czar si Bro. Eddie Villanueva.

May maganda akong plano kasi—kaya lang ‘di ko pwedeng sabihin at napag-usapan namin ni Bro. Eddie Villanueva na ‘yung idea niya,” ani Pacquiao.

“Kaya sabi ko, nawa’y tanggapin nya ang alok ko sa kanyang ilalagay ko siyang anti-corruption czar para pamunuan nya yung anti-corruption at maipakulong natin yung mga dapat ipakulong,” dagdag niya pa.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinabi ni Pacquiao na ilalagay niya sa selda ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno sa unang tatlo hanggang anim na buwan niya sa pagkapangulo.

“Doon sa special court na ‘yan, within 3 months tapos na ‘yung kaso. Eh ‘di ang daming makulong. Within 3 months, pinakamatagal na 6 months, masistensiyahan na ‘yung kaso. Eh ‘di makukulong silang lahat,” ani Pacquiao.

Hindi naman malaman kung ito parin ba ang magiging plano ng pambansang kamao.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular