Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesGrupong sumuporta noon kay Pangulong Duterte, may pakiusap sa mga DDS: Lipat...

Grupong sumuporta noon kay Pangulong Duterte, may pakiusap sa mga DDS: Lipat na kay Isko!

Nakiusap ang isang grupo na nagbigay ng suporta noon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tagasuporta nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee o MRRD-NECC na dapat ay suportahan ng mga ‘DDS’ o ‘yung mga sumusuporta hanggang ngayon sa Pangulo si Manila City Mayor Isko Moreno.

Ang MRRD-NECC ang isa sa mga pinakamalaking volunteer group na sumuporta kay Pangulong Duterte sa Metro Manila noong 2016 na pinangunahan ni dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones.

Ayon kay Castriciones ay mayroong tatlong dahilan ang MRRD-NECC kaya’t gusto nitong suportahan si Moreno.

“Ikaw ang may tunay na pagmamahal sa mahihirap at totoong nakakakilala sa hirap ng tao,” ani Castriciones.

Nakikita rin nila na hindi imposible kay Moreno na gayahin ang nagawa niya sa Maynila sa buong Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Moreno sa suporta ng grupo at naniniwala na malaki ang maitutulong nito sa kanyang kampanya.

“…and today, I think ang pinaka-malaking suporta na nakuha ko ay manggagaling sa MRRD. Eh kasi, nakapagpanalo na kayo ng Presidente, baka makadalawa… may awa ang Diyos,” sabi ng alkalde.

“Sa tulong ninyo, sana matulungan nyo kaming abutin at dumiretso kayo sa taumbayan, sa mamamayan na maipabatid ang mga mensahe natin at mga pangarap natin sa ating mga kababayan.  As I have committed, pagkakapantay-pantay, sa Mindanao, Visayas, Luzon– mahirap, middle class, mayaman.. lahat pantay-pantay sa pananaw ng inyong lingkod in terms of policies, programs and services,” dagdag niya pa.

Inaasahan ng MRRD-NECC na ang lahat ng sumusuporta noon kay Go sa pagkapangulo ay lilipat na kay Moreno.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular