Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesAteneo Law prof, mas gugustuhin na ibagsak ang kanyang estudyante kaysa maging...

Ateneo Law prof, mas gugustuhin na ibagsak ang kanyang estudyante kaysa maging katulad ni Roque at Panelo

Mas pipiliin pa daw ng isang law professor ng Ateneo de Manila University na ibagsak ang kanyang mga estudyante na nangangarap maging abogado kaysa sa maging katulad nila dating presidential spokespersons Harry Roque at Salvador Panelo.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Prof. Ryan Quan ang kanyang diumano’y bilin sa mga estudyante na kung gusto nilang maging katulad ni Roque, Panelo o ni Atty. Larry Gadon ay ibabagsak na lamang niya ang mga ito.

“I always tell my students (quite bluntly) that if they feel like they will end up being like Roque (or Gadon, Panelo, & the like) when they become lawyers to do the legal profession & Philippine a society a favor and tell me. I’d gladly fail them.” ani Quan na kilalang tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.

Ibinahagi rin nito ang video ni Roque na tumatakbo sa pagkasenador habang sumasayaw sa isa sa mga campaign rally nito.

Halo naman ang reaksyon ng mga netizen sa sinabing ito ni Quan.

“I dare you to do that. Fail your students because they have different opinions. What kind of Educator are you?” ani @paighto03143265.

“Wow! Do not teach attorney if that is your line to your students. Napakanegative ng approach mo. Certainly you don’t have what it takes to be an effective teacher.” sabi naman ni Edwin Dalumpines Jr.

“Another Filipino feels being entitled, He needs a Phd in Common Sense but he got a big “A” of which will not make the lives of Filipino people improve and productive.” komento naman ni Klemm Tabaldo.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinabi ni Quan na aalis na lamang siya sa Pilipinas kung hindi tatakbo si Robredo sa pagkapangulo.

Wala naman tugon si Roque, Panelo o Gadon sa sinabing ito ni Quan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular