Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAsawa ni Yeng Constatino walang alam sa relasyon ng singer kay Ryan...

Asawa ni Yeng Constatino walang alam sa relasyon ng singer kay Ryan Bang: “Grabe pala ang pinagdaanan niyo”

Ibinunyag ng asawa ng Yeng Constantino na si Yan Asuncion na wala siyang alam sa nakaraan ng kanyang kapareha at ng television host na si Ryan Bang.

Matatandaan na viral na viral sa social media ngayon ang “YengBang” love story kung saan ay inamin ni Ryan na palihim niyang nililigawan noon si Yeng ngunit sumuko na lamang ito.

Ang hindi alam ni Ryan ay nagkakaroon na pala ng gusto sa kanya ni Yeng, ngunit naputol ang love story nila dahil sa pagsuko ng South Korean host.

Masaya naman si Yeng dahil sa wakas ay napagusapan na nila ni Ryan ang problema nila sa isa’t isa dahil simula daw kasi ng natigil ang panliligaw ng host ay hindi na sila masyado nagpansinan.

β€œI’m really glad na napag-usapan yun kasi ako may natutunanan ako, may natutunan siya. Tapos bonus na yun na may natutunan ang tao yung importance ng communication,” ani Yeng sa isang press conference.

Ibinahagi din nito ang naging reaksyon ng asawa niya na si Yan.

β€œNaki-emphatize siya kasi pinakinggan niya yung dalawang araw na interview ni Vice sa amin. Naki-emphatize siya kasi pinakinggan niya yung dalawang araw na interview ni Vice sa amin,” kwento ni Yeng.

β€œHindi seloso ang asawa ko. Sobrang trusted niya talaga ako,” dagdag niya pa.

Hindi naman daw napigilan ni Yan na magtanong kung bakit hindi siya sinabihan ni Yeng tungkol sa kanila ni Ryan.

Nagkaroon ng pagkakamabutihan sa pagitan ni Ryan at Yeng nitong 2010. Ikinasal naman ang singer kay Yan nitong 2015.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular