Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesAbogado, may mensahe kay Isko matapos humingi ng suporta ang alkalde sa...

Abogado, may mensahe kay Isko matapos humingi ng suporta ang alkalde sa DDS: Kung makabatikos kayo noon kay Duterte!

Maiksi lamang ang naging tugon ng isang abogado na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos manghingi ng suporta si Mayor Isko Moreno sa mga ‘DDS’ ngayong darating halalan.

Nitong Pebrero 19, hiniling ni Moreno na sana’y makuha niya ang suporta ng mga DDS.

“Maraming mga DDS din ang tumutulong sa atin. Kaya nagkakabiruan kami minsan,
‘pag nagkakakuwentuhan kami, ‘yung DDS is Domagoso Diehard Supporters. Puwede?” ani Moreno.

“Pero huwag niyong aalisin si Pangulong Duterte sa puso ninyo. Ipahiram niyo lang sa akin ‘yung puso niyo pansamantala.” dagdag niya pa.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na tila malabo ang hinihiling ni Moreno na makuha ang suporta ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Ayon kasi sa abogado ay kahit ang Pangulo mismo ay hirap mailipat ang mga tagasuporta niya sa mga malalapit sa kanya.

“Hindi nga po nalilipat sa mga gabinete ni Digong ang credibility niya, sa inyo pa kaya? Lalo na at kayo pa ang bumatikos kay PRRD at sa drug war nito.” sabi ng abogado.

Matatandaan na ilan beses din binatikos ni Moreno ang kasalukuyang administrasyon.

Ilan sa mga pahayag nito ay ang tila pagpaparinig nito noon kay Pangulong Duterte.

“Yung mga pa-sanggano sangganong sagot, nabili na yan, kumita na yan noong 2016. Gusto niyo sanggano? Baba kayo sa gobyerno, punta kayo sa Tondo, sa Moriones, bibili namin kayo total nagbebenta kayo ng away eh,” ani Moreno noong nakaraang taon.

Paliwanag naman ng alkalde ay hindi siya natatakot na mambatikos kung may kailangan na batikusin sa gobyerno.

Pero naniniwala siya na mabuti paring Pangulo si Duterte sa bansa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular