Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsSen. Bato dela Rosa, balak imbestigahan ang online sabong: "E-Sabong has ruined...

Sen. Bato dela Rosa, balak imbestigahan ang online sabong: “E-Sabong has ruined the lives of some Filipinos”

Iimbestigahan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lumalala diumanong epekto ng online sabong sa Pilipinas.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Dela Rosa na chairman ng Senate Committee on Public Order na oras na para imbestigahan ang online sabong na patok na patok sa mga Pilipino ngayon dahil sa mga nangyayaring di kanais nais.

Matatandaan na ilang sabungero na ang nawawala nitong mga nakaraang buwan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

May ilan ding mga Pilipino na gumagawa na ng masama upang may maipangtustos lamang sa kanilang pagsasabong online kasama na dito ang ilang miyembro ng kapulisan.

Nitong nakaraang araw lamang ay may isang pulis ang nahuli dahil sinubukan nitong holdapin ang isang gasolinahan upang may maipangtustos siya sa online sabong.

Screencap mula sa e-sabong

“I am quite alarmed at how e-sabong has ruined the lives of some Filipinos who are addicted to this particular mode of gambling and its consequential impact to our peace and order.” ani dela Rosa.

“If this situation of missing persons relative to e-sabong continues and is not given relief and resolution, then I might pass a resolution requiring a senate inquiry into this matter.” dagdag niya pa.

Nagbahagi din ng pag aalala si Senador Ping Lacson at Tito Sotto at sinabi na tila lumalala na ang mga isyu na naidudulot ng e-sabong sa bansa.

Nitong February 18 naman ay sinabi ni Atong Ang, isa sa mga humahawak ng online sabong sa bansa na tutulong siya sa imbestigasyon para sa mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular