Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBiktima, ikinuwento ang diumano'y pangangagat at paninipsip sa kanya ng diumano'y 'zombie'...

Biktima, ikinuwento ang diumano’y pangangagat at paninipsip sa kanya ng diumano’y ‘zombie’ sa Bukidnon

Mariing itinanggi ng Valencia, Bukidnon Police na nagkaroon ng pag atake ng isang ‘zombie’ sa kanilang lugar.

Matatandaan na kumalat sa social media ang ilang istorya tungkol sa diumano’y residente ng Valencia na naging zombie nitong Pebrero 17.

Ayon sa ilang ulat ay kinagat daw ng ‘zombie’ ang kanyang biktima at sinipsip ang dugo nito na tila mapapanood lamang noon sa mga pelikula.

“Hoy gagi ang creepy may tao daw sa Valencia Bukidnon na kinagat ng kapwa tao tas kagabi pa daw talaga yon nangyari. Onti onti na ba talagang nagkakatotoo ang zombie?” sabi ni netizen Liana Gav.

Screencap mula kay netizen Liana Gav

Ngunit ayon sa mga otoridad ay hindi naman daw nakitaan ng sintomas ng pagiging zombie ang suspek.

Nakilala ang suspek na si Carl Clinton Colinas, 25-anyos at ang biktima na si Anthony Arenas, 30-anyos.

Kwento ni Arenas ay nakita niya ang Colinas na walang saplot at bigla na lamang siya nitong sinugod kaya’t napatakbo ang biktima sa takot.

Sa kasamaang palad ay naabutan siya ng suspek kung saan ay naganap na ang pagkagat sa kanya.

Gusto rin daw kunin ni Colinas ang kanyang mata ngunit hindi nagtagumpay ang suspek.

Dalawang minuto daw siyang nawalan ng malay at ng magising ito ay nakikita niya na sinisipsip na siya nito.

Nagkaroon naman siya ng pagkakataon na makatakas at makahingi ng tulong sa taumbayan.

Samantala ay itinanggi naman ng suspek ang mga akusasyon laban sa kanya ng biktima at itinanggi nito na isa siyang zombie.

Inamin naman ng suspek na lasing na lasing siya ng mga oras na ‘yon at nagkaroon din sila ng away ng kanyang asawa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang suspek at haharap sa reklamo.

Hinimok naman ni Lt. Pablo Jugos Jr. ng Valencia City Police Station na sana’y maging maingat ang mga netizens sa pagbabahagi ng impormasyon sa social media upang maiwasan ang pagkataranta ng publiko.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular