Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJake Zyrus ibinahagi ang kanyang shirtless na selfie: "Masaya ako at gusto...

Jake Zyrus ibinahagi ang kanyang shirtless na selfie: “Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako”

Ibinahagi ni Jake Zyrus, dating si Charice Pempengco ang kanyang transformation bilang isang ‘transman’ sa pamamagitan ng isang ‘shirtless’ selfie.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi din ni Jake na masaya siya sa kanyang naging desisyon sa buhay at ngayon ay hindi na siya nahihiya na ipakita ang kanyang katawan.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.” ani Jake.

“Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.” dagdag niya pa.

Ayon kay Jake ay inaalay niya ang kanyang post para sa mga kapwa niya transgender.

“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.” sabi niya pa.

“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong reaksyon ang nasabing post ni Jake.

Matatandaan na naging kontrobersyal ang pag-amin ng singer na siya ay isang miyembro ng LGBTQIA+ community sa gitna ng kanyang kasikatan na tinatamasa sa buong mundo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular