Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaMayabang na commuter sa jeepney, inulan ng batikos mula sa mga kapwa...

Mayabang na commuter sa jeepney, inulan ng batikos mula sa mga kapwa pasahero

Usap usapan ngayon sa social media ang isang commuter na binatikos kahit ng kanyang mga kapwa pasahero dahil sa diumano’y pagiging arogante nito.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na ‘Nerdz Skill’ ay makikita ang pagtatalo sa pagitan ng driver ng jeepney at ng commuter na kanyang katabi.

Maririnig ang commuter na tila sinasabi na “customer is always right” na kinainis naman ng kapwa niya pasahero.

Nagbigay naman ng tugon ang mga pasahero at sinabi na “hindi lahat ng customer ay tama.”

Hindi naman nagpatalo ang aroganteng commuter sa mga bumabatikos sa kanya kaya naman nagkaroon ng sagutan sa loob ng nasabing jeep.

Paminsan minsan ay maririnig pa ang pagi-english ng nasabing commuter habang sinasagot nito ang mga kapwa niya pasahero.

Ipinagmalaki pa nito ang kanyang pinagta-trabahuhan na isang sikat na BPO company at hinamon ang mga pasahero na pumunta sa kanyang opisina.

Tila hindi naman inamin ng commuter ang kanyang kamalian.

Sa ngayon ay mayroon ng 60,000 views ang nasabing video.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular