Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAljur Abrenica, nilinaw na nagbihis at kumain lamang sila sa hotel ni...

Aljur Abrenica, nilinaw na nagbihis at kumain lamang sila sa hotel ni AJ Raval

Usap usapan ngayon sa social media ang larawan na kuha ng isang hotel sa aktor na si Aljur Abrenica at AJ Raval nitong Araw ng mga Puso.

Sa nasabing larawan ay makikita si Aljur at AJ na magkasama sa Haiyan Hotel at hindi naman nakalimot ang nasabing establisyemento na magpasalamat sa kanilang espesyal na mga customer.

Ngunit ang nasabing post ay nag viral sa social media dahil nga sa napapabalita na noon pa ang diumano’y relasyon na namumuo sa pagitan ng dalawang artista.

Nilinaw naman ni Aljur na parte lamang ng kanyang trabaho ang pagpunta niya sa hotel kasama si AJ.

“We were blessed to grace their inauguration, may bago silang bukas na radio station. E, wala, trabaho yun e, pupuntahan ko,” sabi ni Aljur.

Hindi rin daw totoo ang balita na ilang araw silang namalagi ni AJ sa nasabing hotel upang ipagdiwang ang Valentines Day.

“Yung hotel na yun, nagulat ako, kumain lang kami dun ‘ta’s nagbihis lang to freshen up para sa show. Siyempre, Valentine’s, nagkataon lang. Hindi (kami nag-stay dun). Sila lang ang gumagawa ng drama na ‘yan. Kung anong gusto nilang makita, tingnan nila.” ani Aljur.

“Pero trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives,” dagdag niya pa.

Tila totoo naman ang snabi ni Aljur dahil mayroon naman talagang dinaluhan na event si Aljur at AJ sa nasabing lugar.

Matatandaan na si AJ ang pinaghihinalaan na naging dahilan ng hiwalayan ni Aljur at ng dati nitong asawa na si Kylie Padilla.

Ngunit mariin itong itinanggi ni AJ at Aljur.

READ MORE: AJ Raval inamin na nililigawan nga siya ni Aljur Abrenica: “Di na ako magsisinungaling”

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular