Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesProf. Clarita Carlos, may prangkang mensahe sa ABS-CBN anchor: "Nakakiling kayo sa...

Prof. Clarita Carlos, may prangkang mensahe sa ABS-CBN anchor: “Nakakiling kayo sa isang kandidato”

Prangka ang naging mensahe ng Political Science Professor na si Clarita Carlos sa panayam sa kanya ng beteranong mamamahayag ng ABS-CBN at ANC na si Tony Velasquez.

Sa nasabing video, makikita na sinabi ni Velasquez na walang pinapanigan o ineendorso na kandidato ang ABS-CBN, hindi katulad ng SMNI news na pagmamay-ari ng Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaan na inendorso na ni Quiboloy ang tambalang Marcos-Duterte para sa 2022 kaya naman hindi napigilan ni Velasquez na tanungin kung magiging patas ba ang SMNI debate sa ibang kandidato.

Sinagot naman ito ni Prof. Carlos at sinabi na mayroon din namang kinikilingan ang ABS-CBN at ang iba pang media networks na kandidato ngunit patago lamang ito.

“The keyword is “openly”. I am glad you used that word. Because I’ve been content analyzing you guys and I count the number of minutes, microseconds that you indulged in XYZ candidates. And clearly, nakakiling kayo sa isang kandidato.” ani Carlos.

“So wag na tayo magmaang-maangan tungkol dyan, noh? Kasi ang isang iskolar tulad ko, nagcocontent analyze, nakikita yung trend nato. Openly maybe you are not doing it openly but you are doing it not openly. And that goes for the other networks. Makukuha mo yan sa content analysis eh, so let us not go there. So what do I care?” dagdag niya pa.

 

@vaughnivo1 Yung nakahanap ka ng katapat Tony Velasquez .Prof. Clarita Carlos lang sakalam. #smni #debate #bbmsara #bbm #fypシ #foryoupage #fyp ♬ original sound – Vaughn Ivo Estanislao Bonifacio

Matatandaan na nagviral sa social media si Carlos dahil sa kanyang mga mahihirap na tanong sa apat na kandidato na dumalo sa SMNI presidential debate.

Apat namang kandidato ang hindi pumunta sa nasabing programa at ilan sa mga dahilan na sinabi nila ay ang pagsuporta ni Quiboloy sa tambalang Marcos-Duterte.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular