Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesEnchong Dee, tinawag na 'magnanakaw' si Marcos: "They're still using the money...

Enchong Dee, tinawag na ‘magnanakaw’ si Marcos: “They’re still using the money of the Filipino people”

Usap usapan ngayon sa social media ang naging tweet noon ng aktor na si Enchong Dee tungkol kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa kanyang tweet, dalawang taon na ang nakakaraan ay binanatan ni Enchong ang dating Pangulo at tinawag na “magnanakaw” at napapakinabangan parin daw ngayon ng pamilya nito ang kinuha nilang pera sa gobyerno.

Ayon pa sa aktor ay ginagamit daw ng mga Marcos ang perang nakuha nila sa bayan upang baguhin ang kasaysayan.

“They’re (Marcoses) still using the money of the Filipino people even after 50 years just to make history in their favor,” ani Enchong na ngayon ay nahaharap sa 1-B cyberlibel case.

Ikinatuwa naman ni Dee na madaming nang nakakaalam sa mga ginawa noon ng dating Pangulo.

Screencapture ng tweet ni Enchong Dee mula sa fashionpulis.com

Hindi naman malaman kung bakit nag viral muli ang nasabing pahayag ni Enchong.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng #HottiesAgainstCorruption ang pahayag ni Enchong laban sa mga Marcos na ibinabahagi naman ngayon ng mga netizens.

Larawan mula sa #hottiesagainstcorruption

Ilang mga netizens ang hindi napigilan na batikusin si Enchong sa kanyang pahayag at ilan ay pinaalalahanan ito sa kanyang kinakaharap na kaso.

Matatandaan na pinagbabayad ng 1-B ng isang mambabatas ang aktor dahil sa inakusahan niya ito ng pagiging kurakot.

READ MORE: Enchong Dee idinemanda, pinagbabayad ng isang bilyong piso ng mambabatas na binatikos niya noon dahil sa kasal nito.

Sa ngayon ay deleted na ang nasabing tweet ni Enchong na makikita pa kahapon sa kanyang profile.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular