Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesDawn Chang, naghihintay ng ebidensya tungkol sa diumano'y pakikipagrelasyon niya sa mga...

Dawn Chang, naghihintay ng ebidensya tungkol sa diumano’y pakikipagrelasyon niya sa mga ABS-CBN boss

Hanggang ngayon ay naghihintay parin ng ebidensya ang dancer na si Dawn Chang na magpapatunay diumano na mayroon siyang mga karelasyon na boss niya sa ABS-CBN network.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay inakusahan ng kolumnista na si Cristy Fermin ang dancer na diumano’y ‘nakikipaglandian’ sa kanyang mga boss kaya naman nagkaroon ito ng career sa showbiz.

“Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? Eh pa bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss. Naku ha, Dawn Chang. Tumigil ka nga. Dawn Chang me,” ani Cristy.

Isang netizen naman sa Twitter ang hindi napigilan na magtanong kay Dawn kung totoo nga ba talaga ang akusasyon n Nayi Cristy sa kanya.

“Totoo po ba ang paratang ni Fermin na pumatol kapo sa boss ng ABS-CBN para mag artista?” tanong ng nasabing netizen.

“Naghihintay din ako ng pruweba. Ang tagal. Hahaha,” tugon naman ni Dawn.

Nag umpisa ang akusasyon laban kay Dawn dahil sa pambabatikos nito sa television host na si Toni Gonzaga.

Ayon kasi kay Cristy ay tila nagmamalinis ang dancer kaya naman hindi nito natiis na ilabas ang diumano’y itinatago nitong dumi.

Tila umabot naman sa demandahan ang naging isyu matapos maglabas ng ‘demand’ ang kampo ni Dawn kung saan ay binibigyan nila ng ilang araw si Cristy para humingi ng tawad sa dancer.

Ngunit hindi ito ginawa ng beteranang kolumnista at mas pinili nito na magbigay ng babala sa abogado ni Dawn na tila inakusahan din siya ng masasamang bagay.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pruweba ang kolumnista tungkol sa akusasyon niya laban kay Dawn.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular