Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesDawn Chang may maanghang na mensahe sa basher niya: "Tumahimik ka!"

Dawn Chang may maanghang na mensahe sa basher niya: “Tumahimik ka!”

Maanghang ang naging tugon ng Kapamilya dancer na si Dawn Chang matapos siyang batikusin ng isang netizen at sabihan na ‘manahimik’ na lamang.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Dawn matapos itong makisakay sa pambabatikos na natanggap ng television host na si Toni Gonzaga na nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos.

Dahil dito ay nakatanggap din ng mga negatibong komento si Dawn at nasabihan pa ng isang kolumnista na nakikipagrelasyon ito sa kanyang mga boss sa ABS-CBN.

READ MORE: Cristy Fermin may prangkang mensahe kay Dawn Chang: Wala kang mararating kung di ka nakipag-ano sa mga boss mo

Isa sa mga netizen na nambatikos sa kanya ay si netizen @jandezra.

“Kung gusto mo magka career wag kang makisawsaw sa politika. Unless gusto mo mapansin at bayaran ang endorsement mo. Kaso sikat ka ba? May fan base ka na ba?” sabi ng netizen.

Sagot naman ni Dawn Chang, dapat pala ay mas manahimik ang mga netizen kung kasikatan lamang daw ang magiging basehan ng pagkakaroon ng karapatan magsalita.

“Kung basehan ang kasikatan upang magkaroon ng karapatan magsalita at ipaglaban ang tama, pwes, tumahimik ka.” sabi ng dancer.

Bago ang nasabing tweet na ito ay nagbahagi din ng hugot si Dawn tungkol sa ‘toxic’ diumanong mentality ng mga Pilipino.

“Pag ikaw ay isang “baguhang” artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan. – Toxic Filipino mentality.” sabi ni Dawn na parte na ng ABS-CBN noong 2015.

Samantala ay itinanggi din nito na binura niya ang Facebook post niya laban kay Toni at sinabi na siya ay biktima ng ‘hacking’.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular