Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesCristy Fermin, idedemanda ang abogado ni Dawn Chang dahil sa mga sinabi...

Cristy Fermin, idedemanda ang abogado ni Dawn Chang dahil sa mga sinabi nito laban sa kolumnista

Inihahanda na ng kampo ng beteranang kolumnista na si Cristy Fermin ang pagsasampa ng demanda laban kay Atty. Rafael Vicente Calinisan na abogado ni Dawn Chang.

Sa panayam ng Pep.ph kay Atty. Ferdinand Topacio, isa sa mga abogado ni Fermin ay inihahanda na nila ang pagsasampa ng kaso laban kay Calinisan dahil sa hindi nito sinunod ang kanilang demand na paghingi ng tawad sa beteranang kolumnista.

“We’re now laying the groundwork for filing next week,” sabi ni Topacio sa Pep.

Ibinunyag naman nila na mayroon silang supresa para sa mga netizens na nag-aabang sa mga karagdagang impormasyon laban kay Chang na matatandaan na inakusahan ni Fermin ng nakikipagrelasyon sa mga boss niya sa ABS-CBN.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Calinisan sa kampo ni Fermin.

Matatandaan na sinabi ni Fermin na mayroong ginagawang kababalaghan si Chang sa Kapamilya network kaya’t mayroon parin itong trabaho.

Binanatan kasi ni Chang ang aktres na si Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta nito kay Marcos.

“Itong si Dawn Chang, ayan nagkakaroon ng mga trabaho ’yan, alam na alam sa ABS. Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho?” ani Fermin.

“E, pa-bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss.” dagdag niya pa.

Dahil dito ay binanatan ni Calinisan si Fermin at nangako na ipapakulong ang kolumnista kung hindi ito hihingi ng tawad kay Chang.

Ngunit hindi nagustuhan ng kampo ng kolumnista ang mga pinagsasabi ng abogado kaya naman magsasampa ito ng reklamo laban dito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular