Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesTikTok celebrity na si Pipay inulan ng batikos matapos 'okrayin' si Toni...

TikTok celebrity na si Pipay inulan ng batikos matapos ‘okrayin’ si Toni Gonzaga

Inulan ng batikos mula sa mga tagasuporta ni Toni Gonzaga ang internet celebrity na si ‘Pipay’ matapos nitong ‘okrayin’ ang aktres sa isa sa mga campaign rally na kanyang pinuntahan.

Sa video clip na kumakalat sa social media ay makikita si Pipay na nangangampanya para kay Vice President Leni Robredo at sa mga senatoriables nito kasama na si Atty. Chel Diokno.

Maririnig ang pagbati ng TikTok star kung saan ay tila ginagaya nito ang linya ni Toni sa Pinoy Big Brother (PBB) kung saan ay naging host ito ng 16 na taon.

“What’s up, Philippines, what’s up world! Wala nang magsasabi niyan ngayon,” ani Pipay.

Matatandaan na nag-resign nitong February 9 si Gonzaga sa PBB matapos ang pagpapakita niya ng suporta sa tambalang BBM-Sara.

“Mabuti nga nandito ako eh, yung iba nga hindi uma-attend…” sabi pa nito.

Hindi naman napigilan ng mga dumalo sa nasabing pagtitipon na matawa sa sinabi ni Pipay.

Ngunit hindi lahat ng nakapanood ng sinabi ni Pipay sa social media ang natuwa.

Ikinalungkot naman ng TikTok celebrity ang ‘cancel’ na ginawa sa kanya ng mga netizens.

“Respect others para respetohin ka din nong lang na tinawag mong magnanakaw ndi na un karespe respeto minsan kasi para lang matawag na malinis ka eh maninira ka ng tao noh noh..Nag joke kana lang cguro ng iba matutuwa pa kami sayoo kung ttuusin ganyan mas malala ung nanay nyo magsalita sa kapwa nya pilipino..Nagagamit na kayo ndi nyo alam para ano manira din ng iba..hayssss,” sabi ni Jonathan Gasalao.

“Sino ba ang nag cancel sayo? Gaano ka po ba kasikat? Para Icancel? Kung Respeto ang kailangan mo, Irespeto mo muna yung sarili mo. Naawa po ako sa kalagayan mo. Nasa pag bblog ka na e, Okay na sana, kaso ngumawngaw ka pa. Tss, Pwede naman kasing sumuporta ng hinde Sisiraan ang Iba, Kaso di na nakapag tataka. Ganyan talaga ugali ng Pinklawan, Negative Campaign, Sisiraan ang iba at iaangat ang Pambato nila,” ani Clarence Nicole.

“Hindi mo po nararanasan yung respect? Well, hindi mo din naman nirespect si Toni G.” komento naman ng isa pang netizen.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular