Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaSuspek sa pagpaslang sa Maguad siblings, alam daw na protektado siya ng...

Suspek sa pagpaslang sa Maguad siblings, alam daw na protektado siya ng batas: “Hindi ako makulong kasi 16 pa lang ako”

Hanggang ngayon ay tila hindi parin tanggap ng pamilya Maguad ang nangyari sa dalawang miyembro ng kanilang pamilya na matatandaan na pinaslang ng diumano’y kanilang dating ampon na si ‘Janice’.

Sa kanyang Facebook post, binatikos ni Mrs. Lovella Maguad, ina ng magkapatid na biktima ang ‘Juvenile Justice Law’ na nagpo-protekta sa mga suspek na menor-de-edad katulad ni Janice.

Ayon kasi kay Mrs. Maguad ay ginagamit ng mga suspek ang nasabing batas upang protektahan ang kanilang sarili sa pagkakakulong na maari nilang kaharapin dahil sa pagpaslang sa magkapatid na sina Crizzlle Gwynn at Crizvlle Louis.

Maguad family

“I wanted to question the law that inspire these two perpetrators to succeed in
their evil plans. One perpetrator asked the police few days after she murdered
my kids .. “di ba hindi ako makulong kasi 16 pa lang ako? Saan nyo ko dalhin?” dalhin?” It showed that she was well oriented with the law,” ani Mrs. Maguad sa kanyang Facebook post.

“She (they) knew how to play with the law but never her/their responsibility after enjoying her/their right. ( Our law makers are schooled in the most prestigious university here and abroad but why should we allow these children plav with the law ?) Sino po ba dapat ang maka avail ng Children Protection?” dagdag niya pa.

Larawan ni ‘Janice’

Nagtataka si Mrs. Maguad kung bakit ang napo-protektahan ng batas ay ang mga pumaslang sa kanyang anak.

“Sino po ba dapat protektahan ng batas? Di ba yung abused , neglected and
exploited children? Sino ba ang na abused dito? Pumasok sila sa bahay namin natutulog si Boboy sinaksak na Ing nila. Pinagpapalo,” kwento ng nagdadalamhating ina.

Screencap mula sa Facebook post ni Lovella Maguad

Ayon sa ilang ulat ay 16-anyos pa lamang si Janice kaya naman hindi ito maaring mailagay sa pangkaraniwang piitan.

Dahil dito ay protektado si Janice ng RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act na pinangunahang likhain ni vice presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa nasabing batas ay ang mga suspek na 18 anyos pababa ay dapat i-rehabilitate sa “Bahay ng Pag-asa” upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na makapagbagong buhay.

Ipinagtanggol naman ni Pangilinan ang nasabing batas at sinabi na mali lamang ang implementasyon na ginagawa ng gobyerno.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular