Monday, October 3, 2022
HomePoliticsProf. Clarita Carlos, may prangkang komento sa Jessica Soho presidential interviews: "Parang...

Prof. Clarita Carlos, may prangkang komento sa Jessica Soho presidential interviews: “Parang ginawang game show”

Hindi napigilan ni retired political science professor Clarita Carlos na batikusin ang programa ng GMA na ‘The Presidential Interviews’ na pinangunahan ni Jessica Soho.

Sa panayam sa kanya ng SMNI News, prangkang sinabi ni Carlos na aksaya lamang ng oras ang panonood ng nasabing programa dahil narin sa mga klase ng tanong na ibinigay ni Soho sa mga presidential candidates.

Matatandaan na naging usap usapan sa social media ang hindi pagdalo noon ni presidential candidate Bongbong Marcos sa nasabing interview.

“Unang una hindi ko pinanood ‘yan (JS Interview) kasi magaaksaya lamang ako ng panahon,” ani Carlos “Na-trivialize ‘yung interview na parang ginawang game show.”

“I’ve seen this before at talagang tini-trivialize nila ‘yan, ikaw ba naman magiging presidente ka tapos puro cute na question ang tinatanong mo. Bakit hindi yung malalim na question?” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay inaaksaya lamang ng mga nasabing programa ang oras ng mga kandidato na sana’y nangangampanya ngunit mas pinili na dumalo sa nasabing programa.

“You look for educated voters and you feed them stupidity… It’s a waste of my time to watch these shows,” sabi niya pa.

Naniniwala si Carlos na ito na ang tamang oras para itaas ng mga network ang antas ng kanilang mga panayam sa mga kandidato.

Dapat daw ay hindi ang mga mamamahayag ang nagiging panelist ng mga debate kundi ang mga tunay na eksperto katulad ng propesor.

“Sa mga anchor wag na kayong pumagitna diyan at nagpa-power trip kayo na parang kinikilabutan ang mga tao sa tanong niyo. Invite political scientists like us, economist, philosophers, yan ang imbitahan niyo na magtatanong sa mga presidentiables na ‘yan,” mungkahi ni Carlos.

Hindi nagbigay ng pahayag si Soho sa pambabatikos na natanggap sa kanya ni Carlos.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular