Friday, September 30, 2022
HomeNetizen's VoiceProf. Clarita Carlos, gusto ng mga netizens na maging presidential adviser

Prof. Clarita Carlos, gusto ng mga netizens na maging presidential adviser

Pinuri ng mga netizens ang Political Science Professor na si Clarita Carlos matapos nitong maging isa sa mga panelist ng Sonshine Media Network International (SMNI) presidential debate na pinanood ng libo libong netizens.

Nakaagaw ng pansin sa mga netizens ang mga tanong ng propesor tungkol sa foreign policy at iba pang mahahalagang paksa na dapat sagutin ng mga kumakandidato sa pagkapangulo.

Dahil dito ay may ilang netizens ang naniniwala na magiging magaling na presidential adviser si Carlos sa susunod na magiging pangulo ng bansa.

Ilan sa mga netizens na ito ay mga tagasuporta ni dating senador Bongbong Marcos na nangunguna ngayon sa mga presidential survey.

“I hope the future President BBM can get Prof. Clarita Carlos as an adviser. That Strong Woman is bloody smart.” ani RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy.

“I saw the presence of MDS (Miriam Defensor Santiago) in Prof. Clarita Carlos, very wise woman. BBM should consider her as his adviser tho.”

“Nakikinig ako ng debate, kung sino man ang maging presidente, pwede nilang kuning adviser si Prof. Clarita Carlos. ako yung natatakot para sa mga candidates pag nagsasalita na sya.” tweet ni @antiseptic70500.

May ilan naman na nalulungkot dahil sa hindi dumalo sa SMNI Presidential debate ang apat na kandidato na si Vice President Leni Robredo, Manila City Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ping Lacson dahil sa hindi nila nasagot ang mga tanong ni Carlos.

Sa ngayon ay umabot na ng milyon milyong views sa social media si Carlos dahil sa kanyang mga tanong na kahit ang mga manonood ay kinabahan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular