Monday, October 3, 2022
HomePoliticsNetizens, nagbigay ng kanilang reaksyon sa pagsakay ni Sen. Manny Pacquiao sa...

Netizens, nagbigay ng kanilang reaksyon sa pagsakay ni Sen. Manny Pacquiao sa tren

Usap usapan ngayon sa social media ang pagsakay ni presidential candidate at senator Manny Pacquiao sa isa sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

Nitong February 16 ay sumakay si Pacquiao sa PNR upang maramdaman niya daw ang hinaing ng mga pangkaraniwang Pilipino na sumasakay ng tren araw araw.

Ayon sa report ng NEWS5 ay unang beses daw sumakay sa PNR si Pacquiao bilang parte ng kanyang kampanya.

Kung sakali daw na manalo siya sa pagkapangulo ay papagandahin pa daw niya ang serbisyo ng PNR at magtayo ng mga bullet train.

Ang bullet train ang pinakamoderno na klase ng tren sa buong mundo na ginagamit ng mayayaman na bansa katulad ng Japan.

Umaabot ang bilis nito ng mahigit 320 km/h malayong malayo sa kasalukuyang bilis ng tren ng mga PNR na umaabot lamang sa 120km/h sa maximum operating speed nito.

Kumalat naman ang larawan na kuha kay Pacquiao habang nasa PNR sa social media.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa ginawang ito ni Pacquiao.

“Basta talaga eleksyon andaming mga Politiko na sumasakay sa TRAIN noh? Yung andaming biniling sasakyan tapos magtretrain lang naman pala,” ani Andrew Olivar.

“Kung boto ang gus2 mo dapat ..sana sinipot nyo ang debate ng SMNI hindi dyan sa tren ka pa pasakay -sakay!” sabi naman ni @juvy Feliciano-Figueras.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular