Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKampo ni Isko Moreno, hindi kinakabahala ang hindi pag punta sa SMNI...

Kampo ni Isko Moreno, hindi kinakabahala ang hindi pag punta sa SMNI debate: “May nanonood ba non?”

Hindi nababahala ang kampo ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno sa hindi niya pagdalo sa presidential debate ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Matatandaan na apat sa mga presidential candidates ang hindi dumalo sa nasabing debate kasama na si Moreno.

Ayon kasi sa campaign manager ni Moreno na si Lito Banayo dahil sa kakaunti lamang daw ang manonood ng nasabing debate.

Meron ba nanonood sa SMNI? Di ba? Hindi naman siya major outlet- I mean, I’m sorry, I have to say this magalit na ‘yung magagalit sa akin dun sa SMNI but that is the reality,” ani Banayo.

Ipinaliwanag pa nito na mayroon ng nakatakdang gawin si Moreno sa nasabing araw ng debate na hindi nila pwedeng ikansela para lamang makapunta ito sa SMNI debate.

Sa ngayon ay mayroon ng nakuhang milyon milyong views sa social media ang mga videos na kuha sa SMNI debate.

Ilan sa mga naging highlight ng debate ay ang pagtatanong ni political science professor Clarita Carlos kung saan ay ginisa nito ang mga kandidato tungkol sa mga magiging plano nila tungkol sa foreign policy na kanilang ipapatupad kung sakali na sila ang manalo.

Sila presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Leody de Guzman, Norberto Gonzales at Ernesto Abella lamang ang dumalo sa nasabing debate/

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular