Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesPagtanggap diumano ng 120-M pesos ni Toni Gonzaga kapalit ng pagsuporta niya...

Pagtanggap diumano ng 120-M pesos ni Toni Gonzaga kapalit ng pagsuporta niya kay BBM hindi makatotohanan ayon sa isang kolumnista

Usap usapan sa social media ang diumano’y natanggap na ‘talent fee’ ng aktres na si Toni Gonzaga kapalit ng pagiging host nito sa proclamation rally ng BBM-Sara uniteam na ginanap noong nakaraang Linggo sa Philippine Arena.

Kasama narin daw sa bayad ang endorsement ni Toni kay BBM.

Ayon sa ilang ulat ay umabot ng 120-M ang natanggap ni Toni mula sa pagho-host at endorsement niya.

Ngunit ayon sa batikan na kolumnista na si Cristy Fermin ay hindi kapani-paniwala ang halaga na daang milyon kapalit ng suporta ni Toni.

 

“Ito namang kay Toni Gonzaga, unang-una po puro kwento-kwento lang. Wala po itong resibo, walang patotoo, hindi po pwedeng patunayan ‘to dahil unang-una, kung binayaran siya, aamin ba naman ‘yung partido na binayaran siya? Aamin din naman ba si Toni Gonzaga at ang kanyang pamilya na bayad siya dahil sa ibinibigay niyang suporta? Hindi po e.” ani Cristy sa kanyang programa.

Ang tingin ni Cristy ay hindi na kailangan pang bayaran ng salapi si Toni lalo na’t asawa nito si Direk Paul Soriano na kamag-anak pala ni Marcos.

“Unang-una si Direk Paul, pamangkin siya ni Atty. Liza Marcos. Ako naman, hindi ko rin pinaniniwalaan ‘yung P120M,” sabi pa ng kolumnista.

Wala pang pahayag si Toni tungkol sa mga nasabing ulat.

Matatandaan na inulan din ng batikos ang aktres dahil sa kanyang biglaang pagsuporta sa mga Marcos.

Nag resign narin ito bilang host ng isang reality show sa ABS-CBN matapos siyang batikusin ng ilan niyang kasamahan sa network.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular