Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesManny Pacquiao at 2 pang presidential candidate hindi dadalo sa SMNI presidential...

Manny Pacquiao at 2 pang presidential candidate hindi dadalo sa SMNI presidential debate: “Hindi kaya ng konsensya ko”

Tumanggi sila Senador Manny Pacquiao, Ping Lacson at Vice President Leni Robredo na humarap sa presidential debate na pangungunahan ng Sonshine Media Network International (SMNI) na pagmamay-ari ng kontrobersyal na pastor na si Apollo Quiboloy.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Pacquiao na hindi kakayanin ng kanyang konsensya na pumunta sa debate na pamumunuan ni Quiboloy na nahaharap sa patong patong na kaso sa Estados Unidos.

“As much as I would like to participate in every debate and public forum related to my bid for the presidency, I am compelled to decline the invitation of SMNI, which is owned by Apollo Quiboloy, who, according to the US government, has molested and abused children,” ani Pacquiao.

“I cannot, in good conscience, be part of any activity organized by a man wanted for detestable crimes and who unconscionably used the name of the Lord in vain for religious scams,” dagdag niya pa.

Ayon naman sa kampo ni Lacson ay hindi sila pupunta sa SMNI presidential debate ng kanyang ka-tandem na si Senate President Tito Sotto dahil sa malinaw naman na kung sino ang susuportahan ni Quiboloy.

“With all due respect and giving regard to common sense, SP TIto Sotto and I are skipping the SMNI debates. The network’s chairman, Pastor Quiboloy has already openly endorsed his preferred presidential and vice-presidential candidates,” pahayag ni Lacson.

Sinabi naman ng kampo ni Robredo na hindi sila pupunta sa SMNI debate dahil sa may gagawin ang VP sa araw na ‘yon.

“She will be unable to attend this privately sponsored event, but will definitely be present for all the upcoming COMELEC sponsored and accredited debates,” saad ng kampo ni Robredo.

Matatandaan na si presidential candidate Bongbong Marcos Jr. na inendorso na noon pa ni Quiboloy ang tanging kandidato na nagkumpirma na pupunta sa SMNI debate.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular