Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesKiko at Frankie Pangilinan, kakasuhan ng cyberl libel si 'Maharlika'

Kiko at Frankie Pangilinan, kakasuhan ng cyberl libel si ‘Maharlika’

Nagsampa ng kasong cyber libel ang vice presidential candidate na si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan laban sa vlogger na si Maharlika at sa iba pang kasamahan nito sa kanyang Youtube channel.

Sa kanyang pahayag nitong lunes, sinabi niya na nakapagsampa na ito ng kaso laban kay Maharlika dahil sa diumano’y paglabag nito sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kasi kay Pangilinan ay may ilang video na inupload si Maharlika na ang laman ay puro paninira sa kanya at sa pamilya niya.

“The contents of the videos are all false, have no factual basis and are intended to destroy or damage my reputation as a senator, public servant, and a husband to one of the most beloved celebrities in the Philippines, Sharon Cuneta-Pangilinan,” sabi sa complaint.

“More importantly, the libelous videos are meant to destroy the family. The libelous videos are not only intended to damage my relationship with my wife but also meant to destroy my relationship with our children,” sabi pa nito.

Pinagpapaliwanag din ni Pangilinan ang Google kung bakit hindi labag sa ‘community standards’ ang mga pinagsasabi ni Maharlika sa kanyang vlog nitong May 21, 2021 at kung bakit hindi pa ito nabubura.

Ibinunyag naman ni Pangilinan na balak din magsampa ng kaso ng kanyang asawa na si Sharon at anak na si Frankie ng kaparehong kaso laban kay Maharlika.

Nagbigay naman ng maiksing tugon si Maharlika kay Pangilinan na tinawag niyang “Junggoy”.

“Mas nakakatakot pa ang All of Us Are Dead series sa Netflix kumpara sa complaint mo Junggoy!” sabi ng vlogger na matatandaan na binatikos din si Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.

Nitong nakaraang taon ay nagsampa rin ng kaso si Pangilinan laban sa dalawang Youtube channel na “Latest Chika” at “Starlet” na ngayon ay burado na sa Youtube.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular