Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesEl Shaddai spirtual adviser, hindi pabor sa pag endorso kay BBM :...

El Shaddai spirtual adviser, hindi pabor sa pag endorso kay BBM : Hindi siya dapat iboto para presidente

Hindi pabor ang spirtual adviser na si retired Novaliches Diocese Bishop Ted Bacani sa naging desisyon ng Catholic group na El Shaddai na suportahan si presidential candidate Bongbong Marcos.

Sa panayam sa kanya ng Radyo Veritas nitong Lunes, sinabi ni Bacani na ngayo’y spirtual adviser ng El Shaddai na may karapatan ang mga miyembro ng grupo na hindi sundin ang endorso ng kanilang pinuno na si Bro. Mike Velarde.

“Karapatan din po ng bawat kasapi ng El Shaddai o attender ng El Shaddai na pumili at mag-endorso ng kanilang kandidato, hindi sila obligadong sumunod sa sinasabing pag-endorso daw ni Brother Mike Velarde,” ani Bacani.

Sinabi pa nito na “mali” ang ginawang pagpili ng pinuno ng El Shaddai kay Marcos dahil sa nagawang kasalanan ng pamilya niya.

“Hindi ko masasang-ayunan ang pag-endorsong ito sapagkat sa palagay ko ay maling mali, kung merong hindi dapat iboto para presidente, ito ay si Bongbong Marcos,” saad ng pari.

“Alam natin na siya naman ay wastong gulang nang dambungin ng kanyang ama ang ating bayan, kung paano sila nagpayaman ng katakut-takot, at ito po ay hindi haka haka, sapagkat bilyon mahigit na po ang nasamsam muli ng gobyerno sa kanilang kinitang hindi dapat,” dagdag niya pa.

Matatandaan na sinabi ni Velarde na pinili niya si Marcos na i-endorso upang matuloy na ang pagkakaisa ng mga Pilipino.

“Matagal nang lumapit sakin ‘yang dalawang yan, lalo na si Bongbong, it’s time for us Filipinos to be united. After all napagbigyan natin yung mga kalaban ni Marcos nang maraming taon, diba?” sabi ni Velarde.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Velarde sa sinabi ng kanyang spirtual adviser.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular