Monday, October 3, 2022
HomePolitics"Pink Sunday" ni VP Robredo binatikos ng Quezon City LGU dahil sa...

“Pink Sunday” ni VP Robredo binatikos ng Quezon City LGU dahil sa paglabag sa safety protocols

Hindi nagustuhan ng Quezon City Local Government ang nangyaring ‘Pink Sunday’ rally na ginanap sa QC Circle nitong February 13.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng LGU ng Quezon City na lumabag ang nasabing rally na pinangunahan ni presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Kiko Pangilinan.

“Unfortunately, today’s “Pink Sunday” event organized by supporters of Vice President Len Robredo and Senator Francis Pangilinan resulted in a spillover crowd that violated several restrictions that were mutually agreed upon. While crowd control is a highly complicated aspect of large gatherings, it is a test of discipline for the organizers and attendees to show that their chosen candidates observe the laws of the land,” sabi ng LGU ng Quezon City.

“We hope that in the future, all coordinators will take this responsibility more seriously.” dagdag pa.

Ayon sa ilang ulat ay umabot ng 20,000 ang dumalo sa nasabing pagtitipon.

Sinabi naman ng kampo ni Robredo na aakuin niya ang responsibilidad sa nangyari sa Pink Sunday.

“We acknowledge the concerns of the Quezon City Government, extend our thanks for its vigilance, and take full responsibility,” sabi ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular