Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesAnyare? Dawn Chang, binura lahat ng vlog niya sa kanyang Youtube channel

Anyare? Dawn Chang, binura lahat ng vlog niya sa kanyang Youtube channel

Sa gitna ng kritisismo na kanyang natatanggap mula sa netizens ay biglang binura ng dancer na si Dawn Chang ang lahat ng videos sa kanyang Youtube Channel.

Sa kanyang channel na mayroon lamang 130,000 subscribers ay makikita na wala na ang mga video sa kanyang channel.

Mapapansin din sa website na socialblade na nabawasan ang subscriber ng dancer sa Youtube simula ng batikusin nito ang aktres na si Toni Gonzaga.

Matatandaan na binatikos ni Dawn si Toni sa kanyang Facebook page dahil sa pagsuporta ng kilalang aktres sa tambalang BBM-SARA.

“It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?” ani Dawn.

“As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya. I cannot remain quiet. Alam ng lahat ng artista na mas “safe” ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede. It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country. Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay VP Leni Robredo Leni Gerona Robredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito.” dagdag pa niya.

READ MORE: Dating PBB housemate Dawn Chang, binanatan si Toni Gonzaga: Paano mo nasikmurang suportahan at tulungan sila?

Kahit inulan naman ng batikos si Toni ay lalo pang nadagdagan ang subscriber nito sa kanyang Youtube na ngayon ay mayroon ng mahigit 5,000,000 followers.

Kinampihan din si Toni ng ilang miyembro ng showbusiness katulad ni Cristy Fermin na inakusahan pa si Dawn ng nakikipagrelasyon sa mga boss niya sa ABS-CBN.

READ MORE: Cristy Fermin may prangkang mensahe kay Dawn Chang: Wala kang mararating kung di ka nakipag-ano sa mga boss mo

Dahil dito ay tila mauuwi sa demandahan ang palitan ng mensahe ni Dawn at Nay Cristy.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular