Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAngel Aquino, hiling sa kanyang birthday ang 'Better Philippines': "Kaya iboboto ko...

Angel Aquino, hiling sa kanyang birthday ang ‘Better Philippines’: “Kaya iboboto ko si Leni Robredo!”

May isang hiling ang aktres na si Angel Aquino sa kanyang ika-49 na kaarawan nitong February 7.

Sa kanyang Instagram post, gusto ni Angel na magkaroon ng mas magandang Pilipinas kaya naman iboboto niya si presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Maliban kay Robredo ay susuportahan niya rin ang ilan sa mga senatorial candidate na kasama sa ticket ng bise katulad nila Sen. Leila De Lima at dating senador Antonio Trillanes Iv.

“On my birthday I was asked to make a wish and in all honesty I wished for a better Philippines.” ani Angel “Kaya Iboboto ko si Leni. Dahil sigurado ako na mahal niya ang Pilipino at hindi ang ambisyon niya. Hindi ang kapangyarihan, at lalong hindi ang pera,” 

“This is Leni and this is the truth. For true change the Filipinos need courageous, real, honest and good leaders. To me those are VP Leni, Sen Kiko, Sen Leila de Lima, Sen Trillanes, Bong Labog, , Atty Neri Colmenares, Teddy Baguilat, Atty Chel Diokno, Atty Alex Lacson, Atty Sonny Matula and Sen Riza Hontiveros.” dagdag niya pa.

“t’s time we vote for the betterment of our country. Walang mawawala, we’ll only get a better government.”

Screencap ng post ni Angel Aquino sa Instagram (@iamangelaquino)

Ibinahagi din ni Aquino ang art card kung saan makikita ang kanyang pagsuporta kay Robredo upang maisulong ang “tunay na pagbabago”.

Umabot naman ng libo libong heart react ang nasabing post ni Aquino na kilalang tagasuporta ni Robredo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular