Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesWillie Revillame emosyonal na namalaan sa GMA: "Babalik ako, 'yung mga nawalan...

Willie Revillame emosyonal na namalaan sa GMA: “Babalik ako, ‘yung mga nawalan ng trabaho. Ibabalik ko kayo”

Emosyonal na namaalam ang television host na si Willie Revillame sa huling araw ng kanyang show na Wowowin sa GMA Network nitong Biyernes.

Ito’y matapos na alukin si Willie ni dating senate president Manny Villar na maging parte ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na matatandaang nakuha ang channel 2 mula sa ABS-CBN.

Kasama ni Willie na namaalam ang buong team ng Wowowin na ilang taon ding namalagi sa GMA.

“Gusto ko lang magpasalamat una lahat sa inyong lahat. Wala ako dito. Wala kami rito kahit na ho may istasyon, na kahit anong istasyon ang puntahan namin kung ‘di niyo ko sinuportahan, hindi niyo ko minahal, wala hong programang Wowowin. Ang buhay ho ay kayo,” ani Willie.

Hindi naman nakalimutan ni Willie na pasalamatan ang mga executives ng GMA na sina Chairman Felipe Gozon lalo na’t ibinigay parin sa television host ang rights sa mga social media accounts na konektado sa Wowowin.

Nasa 17,000,000 followers na ang nasabing Facebook page ng Wowowin habang mahigit 7,400,000 naman ang Youtube channel nila.

“Attorney, thank you so much hindi niyo ipinagdamot sa akin yung 26 million Facebook [at] Youtube [channels] na dapat sa inyo yun, ibinigay niyo pa rin sa akin. Napakabuti niyo,” sabi pa ng host.

Hindi naman daw mawawala sa social media si Willie dahil itutuloy niya parin ang pamimigay ng tulong sa pamamagitan ng mga social media pages na ibinigay sa kanya.

“Hindi ho ito ang katapusan, hindi po ako titigil. Tutuloy ko po ang live streaming. Meron pa rin pong Facebook at Youtube. ‘Willie Revillame, Tutok Para Manalo,’ tuloy pa rin po ang pagbibigay ko ng saya sa inyo. Yun lamang ho wala na po akong TV, livestreaming na lang sa Facebook at sa Youtube,” sabi ni Willie.

Nangako din ito sa mga nakatrabaho niya sa Wowowin na kukunin niya ito muli kapag nakabalik na siya sa telebisyon.

“Babalik ako, ‘yung mga nawalang trabaho. Ibabalik ko kayo. I’ll see you soon. Itong programang Wowowin para sa inyo, ipagdasal niyo na magtuloy-tuloy tayo. GMA, I love you. See you!” saad ni Willie.

Ayon sa ilang ulat ay mataas ang posisyon na makukuha ni Willie sa AMBS.

Ilan sa mga posibleng maging posisyon ni Kuya Wil ay ang pagiging head ng creative team ng AMBS.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular