Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesToni Gonzaga bagay maging presidential spokesperson ayon kay Jam Magno

Toni Gonzaga bagay maging presidential spokesperson ayon kay Jam Magno

Naniniwala ang vlogger na si Jam Magno na posibleng maging presidential spokesperson ang aktres na si Toni Gonzaga kung sakali na manalo si Bongbong Marcos sa pagkapangulo.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Magno na may mga katangian si Gonzaga na maaring maglagay sa kanya bilang tagapagsalita ng Malacañang.

“You know why? Because what if she’s the next spokesperson of the Philippines? Can you imagine her beautifully contoured face, svelte body and all that, every single day speaking on behalf of our president?”ani Magno.

Naniniwala din ang vlogger na tama ang ginawang desisyon ng aktres na umalis na bilang host ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother (PBB)

Wala pa naman sagot ang kampo ni Marcos kung may plano ba silang ilagay si Gonzaga sa gobyerno kung sakali na sila ang manalo.

Hindi rin malaman kung interesado na si Gonzaga sa posisyon sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ipinagtanggol din ni Magno si Gonzaga mula sa mga kritisismo na natanggap nito kay Dawn Chang.

Tila tinawanan pa nito ang grupo dati ni Chang na ‘Girltrends’ kung saan ay nag viral ito dahil sa hindi nila sabay sabay na pagsayaw.

Matatandaan na parehong biktima ng pambabatikos online si Magno at Gonzaga dahil sa kanilang paniniwala.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular