Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesRowena Guanzon sinabi na dapat ay hindi tumakbo si Robin Padilla: "Pareho...

Rowena Guanzon sinabi na dapat ay hindi tumakbo si Robin Padilla: “Pareho kayo ni BBM mga convict!”

Binanatan muli ni retired Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon ang senatorial candidate na si Robin Padilla.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Guanzon na dapat ay hindi na tumakbo pa si Padilla bilang senador dahil sa isa itong ex-convict katulad ni presidential candidate Bongbong Marcos.

“Robin Dobby, huwag mo akong tarayan. Pareho kayo ni BBM mga convict ! Moral turpitude ka rin why are u running ? Senator pa ! OMG,” ani Guanzon.

Noong 1994 si Padilla dahil sa pagmamay-ari nito ng iligal na armas at nahatulan na mapiit ng walong taon.

Nitong 1998 naman ay binigyan ito ng conditional. pardon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Habang nitong 2016 naman ay nabigyan ito ng absolute pardon ni Presidente Rodrigo Duterte kaya naman naibalik na ang kanyang buong civil at political rights.

Matatandaan na nagkasagutan si Padilla at Guanzon sa social media dahil sa pahayag ng action star tungkol kay Andres Bonifacio.

“Hindi ko iboboto si Robin Padilla. Maawa kayo sa Pilipinas,” ani Guanzon.

Mahaba naman ang naging tugon ni Padilla kay Guanzon at sinabi na may ebidensiya siya na magpapatunay na tama ang kanyang sinasabi tungkol sa bayani.

“Nakakatuwa naman ang retired comelec official na ito na lumabag sa mismong mga patakaran ng korte at nageskandalo sa labas ng comelec at siniraan ang kanyang pinagsilbihan ng ilang taon. Ito Ang mga halimbawa ng grand standing,” sabi ni Padilla.

Sinabi pa ng aktor na hindi niya kailangan ang boto ni Guanzon.

READ MORE: Robin Padilla may maanghang na banat kay Rowena Guanzon: “Hindi ko hinihingi ang boto mo!”

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot si Padilla sa kasalukuyang banat sa kanya ni Guanzon.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular