Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebrities'Capamella' soon? Toni Gonzaga, posible ang paglipat sa network ni Manny Villar

‘Capamella’ soon? Toni Gonzaga, posible ang paglipat sa network ni Manny Villar

Tila may naghihintay na kagad na trabaho sa television host na si Toni Gonzaga matapos itong mag-resign bilang host ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB).

Matatandaan na ilang ulat na ang lumabas sa posibleng paglipat ni Toni sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) na pagmamay-ari ni dating senate president Manny Villar.

Lalo pang lumakas ang kutob ng mga netizens ng magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ni dating DPWH secretary at senatorial candidate Mark Villar at Toni Gonzaga.

“Forever grateful for the support and friendship, Toni! We are always 100% behind you.” ani Villar.

Matatandaan na inulan ng batikos si Toni mula sa kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN dahil sa pagsuporta niya sa tambalang Bongbong Marcos at Inday Sara Duterte na siyang sinusuportahan din ng pamilya Villar.

Pero ayon sa ilang ulat ay bago pa lamang ganapin ang proclamation rally ng BBM-SARA tandem ay planado na ang paglipat ni Toni sa ibang channel.

Sa ulat pa nga ng pahayagang Abante ay si Toni daw ang magiging ‘Charo Santos’ ng AMBS.

“Kaya unbothered lang siya dahil siya, may pera, ‘no! At may sure na work after! ‘Yung mga namba-bash sa kanya, marami do’n, nganga!” ayon sa ulat ng Abante.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular