Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesRR Enriquez may banat kay Dawn Chang: So paniniwala mo lang ang...

RR Enriquez may banat kay Dawn Chang: So paniniwala mo lang ang importante, yung kay Toni hindi?

Binanatan ng dating Wowowin dancer na si RR Enriquez si Pinoy Big Brother alumnus at Kapamilya dancer na si Dawn Chang.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni RR ang kanyang mensahe kay Dawn at kinuwestiyon kung ang paniniwala lang ba ng dating PBB housemate tungkol sa pamilya Marcos ang importante.

“So if Dawn Chang say’s she will forever cherish standing up to what she believes in……. My question is…… So ikaw pwede mag make stand?! Si Toni hindi???? So yung paniniwala mo lang ang importante??? Yung paniniwala ni Toni hindi,” ani RR.

“And one more thing.. Everybody has different views what happened in Martial law… Some people think Martial law is worst. Former President Marcos is worst… To some people hindi! He’s one of the best President!” dagdag niya pa.

Paliwanag pa nito, hindi naman dapat manahin ng mga anak ang ginawa ng kanilang mga magulang.

“Ya’ll live in the past kaya puro galit nasa heart nyo.. Kilalanin nyo yung tao. Upuan nyo.. Maybe nagawa ni Toni yun at nakilala nya sila Marcos kaya she chose to support Marcos..” sabi pa ni Enriquez.

“Stop judging him base on the past. Pag aralan nyo yung ngayon, yung mga plano nya. Yung mga nagawa nya! FYI: Hindi din po ako bayad.. Pero I stand for Marcos and I will vote Marcos” dagdag pa ng dancer.

Ikinuwento din ni RR ang mga kasalanan na diumano’y nagawa ng ABS-CBN sa sarili nilang mga empleyado katulad nalang ng biglaang pagtanggal sa ilang cameramen ng Kapamilya network.

Screencap mula sa Instagram post ni RR Enriquez (@rr.enriquez)

Matatandaan na binatikos ni Dawn ang kasamahan niya sa ABS-CBN na si Toni Gonzaga dahil sa pagsuporta ng aktres sa isang kandidato sa pagkapangulo.

It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?” sabi ni Dawn.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular