Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesMatty Juniosa tumanggi na kumanta para kay BBM kahit na wala na...

Matty Juniosa tumanggi na kumanta para kay BBM kahit na wala na siyang pera at trabaho: “Lord, please Let Leni Lead”

Isang singer ang inalok diumano ng kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos na kumanta sa isang event kahit na babayaran siya para dito.

Sa kanyang post sa social media ibinahagi ni Matty Juniosa ang alok sa kanya para kaumanta sa isa sa mga events ni BBM na tinangihan niya kahit na wala siyang trabaho sa ngayon at pera.

“Today I declined an offer to sing for a BBM campaign in my city. Might be a broke singer but I just can’t do it,” ani Juniosa.

Paliwanag ng singer, hindi si BBM ang gusto niyang maging presidente kundi si Vice President Leni Robredo.

“Lord, please #LetLeniLead and give me some kind of work. I’m broke but the only thing I’m desperate for is a win for Leni.” hiling pa ni Juniosa.

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens kasama na ang mga tinaguriang “Kakampinks” na maawa sa sitwasyon ni Juniosa na kahit walang pera ay hindi ipinagpalit ang diumano’y prinsipyo niya.

Ngunit may ilan na hindi naniniwala sa kwento ni Juniosa dahil may ilang mas sikat diumano na singer at artista na libreng inalok ang kanilang serbisyo kay BBM.

“Dulce performed for free, toni g hosted for free. Tapos ikaw aalukin ng tf? Sino ka nga ulit?” tanong ni @FurDadTrader

Sa kanyang mga sumunod na tweet naman ay nagpasalamat si Juniosa sa suporta na kanyang natanggap.

“Thank you to the overwhelming support, twitter people! We even got on major news outlets lol, it was honestly a tweet about what transpired this morning and what my thoughts on it were. Hopefully, encouraging more people to express their individual support for their bets.” saad ng singer.

“Having said that, I don’t claim to be anybody lol, not famous, not legendary, whatever. But I do claim to be a man of principle, I claim to be a person who stands for what I think is right. You don’t have to know my name, I don’t have to matter to you at all… but my vote will.”

“So just to cap the day, whether you’re broke or not, stand your ground. Good days will come, and in this battle of wit and strategies, may the candidate most fit to lead, win – and to me, hopefully to more of us, that’s @lenirobredo.”

Screencap mula sa Twitter ni Matty Juniosa (@mattyjuniosa)

Si Juniosa na nagtapos sa De La Salle University Manila ay alumnus ng Idol Philippines na naabot ang ika-12 na posisyon sa nasabing patimpalak.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Marcos kung totoo nga ba na inalok nila si Juniosa na kumanta para sa kanilang kandidato.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular