Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDirek Manny Castañeda ipinagtanggol si Toni Gonzaga: "Maraming mga artista ang hindi...

Direk Manny Castañeda ipinagtanggol si Toni Gonzaga: “Maraming mga artista ang hindi boboto kay Leni”

Naniniwala ang tanyag na direktor na si Manny Castañeda na maraming artista at nagta-trabaho sa showbiz ang katulad ni Toni Gonzaga.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng direktor na hindi lahat ng nasa showbiz ay iboboto si Vice President Leni Robredo.

Ngunit hindi katulad ni Toni, mas pinili ng iba na manahimik na lamang muna dahil sa takot na ulanin ng batikos ng mga tagasuporta ni Robredo.

“Tulad ni Toni Gonzaga, maraming mga artista at mga taga showbiz ang hindi boboto kay Leni Robredo pero tahimik lamang lang sila dahil sa mga pinklawan na masyadong agresibo, pala away at saksakan ng bastos.” ani Castañeda.

“At kapansin pansin din na lalong dumadami ang mga artista na umaayaw kay Leni dahil din sa mga masamang ugali ng mga Pinklawan.” dagdag niya pa.

Umabot ng libo libong react ang nasabing opinyon ni Castańeda.

Matatandaan na inulan ng batikos si Toni mula sa mga netizens matapos nitong magpakita ng suporta kay Bongbong Marcos.

Ilan sa mga nambatikos sa aktres ay si Dawn Chang at Dionne Monsanto.

Ngunit tila hindi naman apektado ang aktres at patuloy parin na ginagamit ang kanyang social media power para i-promote si Marcos na ninong nila sa kasal ng asawa niyang si Paul Soriano.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular