Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesDawn Chang hinamon si Cristy Fermin na pangalanan ang boss na 'nilandi'...

Dawn Chang hinamon si Cristy Fermin na pangalanan ang boss na ‘nilandi’ niya: “We will send you to jail”

Pinalagan ng Kapamilya dancer na si Dawn Chang ang mga akusasyon sa kanya ng batikan na kolumnista na si Cristy Fermin.

Matatandaan na sinabi ni Nay Cristy sa kanyang programa na Cristy Ferminute na nakikipagrelasyon si Dawn sa mga boss niya sa ABS-CBN.

“Napa-righteous at sikat nitong Dawn Chang. Di ba yun yang dancer? Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? Eh pa bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss. Naku ha, Dawn Chang. Tumigil ka nga. Dawn Chang me,” ani Cristy sa kanyang programa habang pinagtatangol si Toni Gonzaga.

Sa pahayag ng abogado ni Dawn na si Rafael Vicente Calinisan ay sinabi na ‘malisyoso’ ang sinabi ni Cristy laban sa kanyang kliyente.

“To put things in proper perspective, this quoted statement of Fermin was a malicious, hateful, and malevolent response to our clients’ prior responsible exercise of free speech. Fermin’s response was meant to downplay the effect of our client’s comment on Ms. Toni Gonzaga’s participation in the proclamation rally of a particular set of politicians,” sabi ng abogado.

“Nakakahiya ang mga comments mo, Cristy Fermin. It is a reflection of the abundance of your soul. If you want to destroy the reputation of our client, you will fail, because truth and principle is on our side. The truth is stringer that people like yoo. God will always triumph over evil.” dagdag pa nila.

Iginiit din ng abogado ng dancer na parte ng freedom of speech ang ginawang pambabatikos ni Dawn kay Toni.

READ MORE: “Dating PBB housemate Dawn Chang, binanatan si Toni Gonzaga: Paano mo nasikmurang suportahan at tulungan sila?”

Hinamon din nila na pangalanan ni Cristy kung sino ang boss na binabangit niya sa ABS-CBN na nakarelasyon ni Dawn.

“We dare you, Cristy Fermin, to name names. Pangalanan mo yung mga “boss ng ABS-CBN” na “nakipaglandian” sa aming kliyente. Because of your malicious imputations, we assure you, we will send you to jail.” hamon ng abogado.

“Kung wala kang kredibilidad, wag ka nang mandamay. Let us be clear: no one has the right to objectify women and disparage their reputation. Ang mga babae ay nirerespeto at minamahal,” dagdag pa nito.

Binigyan ng limang araw ng kampo ni Dawn si Cristy na maglabas ng public apology sa mga pahayagan kung hindi ay magsasampa sila ng reklamo laban sa kolumnista.

Larawan mula kay Atty. Rafael Vicente Calinisan

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Cristy ngunit inaasahan na maglalabas ito ng kanyang tugon sa kanyang programa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular