Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesCristy Fermin may prangkang mensahe kay Dawn Chang: Wala kang mararating kung...

Cristy Fermin may prangkang mensahe kay Dawn Chang: Wala kang mararating kung di ka nakipag-ano sa mga boss mo

Binanatan ni Cristy Fermin ang Kapamilya dancer at Pinoy Big Brother alumnus na si Dawn Chang matapos nitong batikusin ang aktres na si Toni Gonzaga.

Matatandaan na binanatan ni Dawn si Toni sa kanyang Facebook post dahil sa pagsuporta ng aktres kay Bongbong Marcs.

“It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?” ani Dawn.

READ MORE: Dating PBB housemate Dawn Chang, binanatan si Toni Gonzaga: Paano mo nasikmurang suportahan at tulungan sila?

Nagbigay naman ng kanyang opinyon si Nay Cristy tungkol sa mga banat ni Dawn laban kay Toni at sinabi na dapat ay ang dancer ang batikusin ng mga netizens dahil sa ginagawa nito diumanong pakikipagrelasyon sa mga boss niya sa ABS-CBN.

“Napa-righteous at sikat nitong Dawn Chang. Di ba yun yang dancer?” tanong ni Cristy sa kanyang co-host na si Rommel Chika.

“Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? Eh pa bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss. Naku ha, Dawn Chang. Tumigil ka nga. Dawn Chang me,” dagdag pa niya.

Nagpakita naman ng suporta si Cristy kay Toni dahil sa pambabatikos na natatanggap ng aktres dahil sa kanyang pagsuporta sa isang kandidato.

“Tayo po ay namumuhay sa demokrasya,” ani Nay Cristy.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Dawn sa akusasyon laban sa kanya ng kolumnista.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular